Panginoon, sa tuwing tinitingnan ko ang mga problema ko ngayon, nanlulumo ako. napaparalisa, para akong nasa gitna ng kawalan. Siguro nga't bugbog sarado na ako ng kalungkutan.Basag na, dinudurog pa.
Sa kabilang banda, pag tinitingnan ko ang puso ko, hndi lamang ang naghihirap kong katauhan ang namamalas ko. Nakikita ko rin kayong nasasaktan.Kung pasan-pasan ko man ang bawat hirap at pasakit ng sitwasyon ko,
Kayo, ako mismo ang buhat-buhat nyo.
Tulungan nyo po ako.Alam kong kadalasan bingi at manhid ako pag dating sa inyong kalooban.Madalas ko po kayong salungatin sa pag-aakalang tama ang mga nagiging desisyon ko. Alam kong marami sa mga suliraning dinaranas ko ngayon ay bunga ng aking kapangahasan.
# posted by joSlyn @ 10:39 AM
0 Comments:
Post a Comment
<< Home