Ilang araw rin akong naghintay para makapagsulat uli dito sa blog ko, pero hanggang ngayon, wala pa rin akong maisip. Pauwi na lang ako, wala pa rin akong mabuo..
Hmmm. ano ba?
Nakakatuwa... parang ang dami-dami kong gustong sabihin, pero di ko lang talaga maintindihan kung bakit di ako makapagsimula.
Ganun lang talaga siguro.
Tama, abnormal nga ako ngayon.
Pero ito na siguro ang pinakamasarap na abnormalidad na naranasan ko.
(Naku, baka isipin ng makakabasa nito, nababaliw na ako...)
Hindi po, siguro nagkataon lang na nababalot ako ng kakaibang pakiramdam ngayon.
Parang nakalutang... mapayapang nakalutang..
Masaya.. nakararanas ng ibang kasiyahang tagos hanggang langit.. Ramdam mismo ng kaibuturan ng aking pagkatao.
Malaya.. kalayaan mula sa tanikala ng kalungkutan at ng realidad ng buhay..
Ano bang meron?
Di ko alam kung papaano ko ipapaliwanag..
Para akong muling ipinanganganak.. na may bagong pagtingin sa buhay, sa sarili at sa mundo..
Na may baong kagalakan na hindi nagmula sa labas kundi nanggaling sa pinakapusod ng aking pagkakalikha.
At ito yung punto na nagsusumigaw ang puso ko para magpasalamat sa Dakilang Lumikha.. Salamat sa buhay..Salamat sa pagkakataon. Salamat sa kaligtasan..Salamat sa buhay na walang hanggan...
At higit na salamat dahil natagpuan kong muli ang aking sarili sa Inyong kanlungan..
Tama, yun nga ang pakiramdam...
# posted by joSlyn @ 5:51 PM
0 Comments:
Post a Comment
<< Home