A.k.O
Nananabik akong makilala ang katauhang nasa loob ng katawang ito
Nais ko syang maintindihan
Maunawaan ang bawat dahilan ng kanyang reklamo at panghihinawa
Nais kong matunton ang lalim ng kanyang pagkakalikha
Maintindihan ang kanyang bawat pagtangis, pagtawa
Mahinuha kung bakit kadalasan kinakailangan nyang ikubli ang kanyang tunay na nararamdaman
Nais ko syang damayan
At higit sa lahat...
Maging kaibigan sa kanya
# posted by joSlyn @ 8:34 AM
0 Comments:
Post a Comment
<< Home