Nahihiya ako sa Diyos. Parang mas sanay na ata akong magreklamo kaysa sa tumanggap ng pagpapala. Nitong mga huling buwan wala akong ibang naiisip kundi ang sana matapos na lahat ng paghihirap na nararamdaman ko. Halos igiit kong naging mabuti naman akong tao para masaktan ng ganito. Pero ngayong ramdam ko na ang pagkilos ng langit para iahon ako sa kumunoy ng kalungkutang kinalalagyan ko.. eto lang ang nararamdaman ko, NAHIHIYA AKO!
Bigla kong naisip, hindi rin pala ako karapat-dapat sa kahit anumang magandang bagay sa paligid ko. Hindi ang mga mabubuting gawa ko ang siyang magbibigay karapatan sa akin.. HINDI!
Nahihiya ako sa kababawan ng pananampalatayang ipinamalas ko.. at ngayon nga'y hindi ko alam ang dapat na reaksyon ko sa mga nangyayari.. at nahihiya talaga ako sa Diyos.
Alam kong nasaktan ako ng labis.. Pero mas nasaktan ko ang Panginoon.
# posted by joSlyn @ 1:48 PM
1 Comments:
kaya mo yan... hindi ka naman Nya bibigyan ng pagsubok na hindi mo kaya. at pag nagipit ka, Sya rin naman gagawa ng paraan para maka ahon ka =)
Post a Comment
<< Home