changes... all-around me are but changes
sa bilis ng mga pangyayari, di ko na matandaan ang mga naging reaksyon ko sa mga pagbabagong ito. Nagsabay-sabay kasi. Dito sa opisina, sa bahay maging sa personal kong buhay. Lahat ata nabago.
Minsan nga gusto ko ng umangal. Aba'y isa-isa lang.. mahina ang kalaban. Pero talaga sigurong panahon na para maranasan ko ang lahat ng ito. Ito nga siguro yung sinasabing next level. Pero sandali, nakalimutan atang itanong sa akin kung handa na ako.
Basta ngayon ang nararamdaman ko lang, pagod ako. I'm stressed out. Naubos na ata ang lakas ko habang pinagmamasdang mag-ibang bihis ang mga bagay sa buhay ko.
Totoo na to...
# posted by joSlyn @ 1:44 PM
0 Comments:
Post a Comment
<< Home