At ano nga ba ang gusto kong mangyari?
Sa totoo lang, sobrang natatakot ako. Kagabi naisip ko na buti na rin at wala pa akong balita sa kanya. Kasi hanggang ngayon di pa rin ako sigurado kung kaya ko ng tanggapin kung anuman ang itinakda para sa akin. Na habang nasa kawalan ako, may karapatan pa akong umasa na magiging maayos pa ang lahat. Na habang wala pang katiyakan sa tunay nyang kalagayan, maaari pa akong mangarap. Maari ko pang panghawakan ang mga mithiin ng puso ko..
Natatakot ako. Sana hindi ito katulad ng mga pangyayari sa nakaraan. Na sana hindi ako habangbuhay na pahirapan ng kawalang ito. Na sana dumating na ang mga sagot sa mga tanong at panalangin ko..
# posted by joSlyn @ 11:51 AM
0 Comments:
Post a Comment
<< Home